Archive | Local politics RSS for this section

Election Fiesta 2013

Kung nababasa mo to, hindi naman siguro ito ang unang eleksyon mong natunghayan. Ayon sa naaalala ko, 1998 ang unang eleksyon kong nasaksihan. Presidential yon kung saan nanalo si Erap. Badtrip na badtrip yung nanay ko kasi si Alfredo Lim ang binoto niya pero di nanalo. Pag naaalala ko ngayon, tinatawanan ko na lang siya. Haha. May papray-over pray-over at hand over head pa ang El Shaddai et. al. sa ulo ni Jose De Venecia.

Nasaksihan ko din yung 2004, 2007 at 2010. Yung 2004, nanumpa si Gloria sa Cebu tapos nanalo VP si Noli de Castro. 2007 nandaya daw sina Team Unity sa Maguindanao. Election preparations ng 2010 nung maganap yung Maguindanao Massacre.

Nakakamanhid na yung gulo ng eleksyon sa Pilipinas. Ineexpect ko na magiging game changer yung mga PCOS machines noong 2010, na magkakaroon tayo ng mas mature na banggaan sa pulitika, na mas mauunderscore yung plataporma kesa sa porma. Pero 2013 na, eh nakakakita pa rin ako ng mga ganito:

Kung bakit nila kailangan magtanggal ng t-shirt sa entablado habang nakikipagsayaw sa mga babaeng nakamaong na panty ay nilampasan na ang greater understanding ko ng human race. Iboboto ba natin sila batay sa kung ilan ang bilbil nila? Batay sa kung may chest hair sila? Di ko alam.

Sa local at national politics, tuluy tuloy lang ang sirko. Alam kong hindi ito naiiba sa mga kaganapan sa ibang bansa, tulad sa Amerika. Kaliwa’t kanan din ang banatan ng mga partido doon. Pero ang pinakamalala ko na yatang nakita eh kumain sa fastfood si Obama, bukod dun sa nakipagchacha si Bush.

Pero walang naghuhubad ng t-shirt.

Minsan pumapasok sa isip ko na mawawala na ba talaga ang respeto mo sa sarili para lang palakpakan, maalala, mapagkalibangan at mapagkatawanan ka ng mga tao? Kaya siguro nagkaroon ng election circus.

Sorry pero natatawa talaga ako kay Alfred Vargas dito.

Minsan tuloy naiisip ko, kung usapin ba ito ng political maturity. Feeling siguro ng mga kandidato, ang importante eh may pasabog silang image para sila maalala. Parang pag bumibili ng sabon o hotdog o kung anumang makikita sa supermarket. Kailangan sa moment na namimili ang botante ay ikaw ang maalala niya.

So ibig sabihin ba noon, hindi tayo nag iisip pag bumoboto? Ewan ko. Posible.

Dapat isa to dun sa isyu na nasosolusyonan ng automated ballot counting at PCOS eh. Sa halip kasi na isusulat mo ang ibinoboto mo tulad dati (na kung sino na lang talaga ang maalala mo eh sila na), ngayon ay inihahain ng balota ang lahat ng choices mo. Iseshade mo na lang. Dapat mas napapaisip ka. Dapat mas marami kang choices.

Well, kung hindi nasosolusyonan yun ng ganoong mga advancement sa teknolohiya eh we can simply imply na baka hindi pa nga talaga ganoon kapolitically mature ang Pilipinong botante. Or masyado lang tayong maaga mag assess.

Sa huli, nakakafrustrate lang din maisip. Sana sa 2016 may pagbabago na sa ganitong uri ng pasikatan. Nakakapagod na rin kasi. Nakakarindi ang mga motorcade na walang pinipiling oras ng pagdaan. Nakakainis na ang mga tarp na nagiging fire hazard na sa dami at nakasabit pa sa linya ng kuryente. At higit sa lahat, nakakasuya na ang utong ng mga kandidatong kailangan pa magtanggal ng kamiseta sa entablado.

Hindi sila magsasawa kung hindi tayo magsasawa sa kanila.

Advertisements

Laguna, nang ikaw ay marating ko. Boto ko’y biglang nagbago.

Pero di ko siya kailangang marating. Dahil di naman ako umaalis dito. Mula pagkaroon ng muwang, hanggang pagtatrabaho, nasa Laguna ako.
Hindi mo na masusukat kung gaano kagulo ang pulitika dito. Patayan dito at doon, siraan, kasuhan sa comelec at DOJpahiyaan, lantaran ng mga utang. Mayrong mga dating artista, pamangkin ng dating presidenteanak ng tuta ni Marcosdating sexy star, at marami pang iba. Kung ganyan ba naman ka diverse (or not) ang mga players sa political arena, minsan malilito ka nalang kung bakit bigla kang may hawak na popcorn. Pulitika ba to o pelikula?

Pag pinag uusapan ang Laguna, nangunguna siyempre ang issue ng mga tumatakbong gubernador ngayong halalan 2013. Eh sino ba naman kasing hindi maiintriga? Ang number one may-topak-na-kontrabida ng Philippine movie industry at ang isang tatahitahimik na anak ng Marcos crony ang magbabangga.

Mainit na usapin pa rin yung video nila sa isang morning show kung saan pinagsabong silang dalawa sa harap ng mga manonood. Matigasan. Sukatan lang kung sino ang tanga o hindi eh.

Si Governor ER Ejercito Jeorge Estregan ay incumbent governor ng probinsya. Nagmula siya bilang alkalde ng Pagsanjan, ang bayan na kineclaim na meron silang falls pero wala naman pala. Ngayon, asawa na niya ang mayora dun. Bida sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story at El Presidente (na hindi namanmakatotohanan ang pagkakakwento)

Si Congressman Egay San Luis naman, anak ng dating Marcos crony. Kongresista ng 4th district ng Laguna. Pabalik balik na sa kongreso pero distrito niya pa rin ang may pinakamaraming mahirap na bayan sa buong probinsya. Kapitbahay siya ng nanay ko dati sa Murphy sa Cubao. Palagi sinasabi ng nanay ko yan eh.

Actually nung time na yon eh medyo hati pa ang opinyon ng mga tao, at yung segment na iyon sa isang morning show ang turning point ng lahat ng pangyayari. Ang pagfifeature sa isang pambansang istasyon ng telebisyon, sa opinyon ko lang, hindi naman yan payabangan pa ng kaya mong ipakita. Actually, kung napunta ka sa TV, ibig sabihin mataas ka nang uri ng tao (unless nasa All For Juan, Juan For All ka o WillTime BigTime), at ang kailangan mo na lang gawin ay i-maintain ang estado na yon. Pero hindi ata yun masyadong naunawaan ni incumbent governor.

Pero sakin okay lang. Bihira lang ako makakita ng isang malawakang PR disaster eh.

Hampaslupa. Hay nako Gob. Parang nakikita ko ang gubernatorial bid mo pababa sa drain ng lababo.

At dun na nga nagsimula ang isa sa pinakamagugulong mudslinging contest sa buong probinsya.

Isang araw paglabas ko ng bahay, marami nang ganitong posters sa mga pader, poste, at marami pang establisyimento. Meron sa Los Baños, meron din sa San Pedro. I assume meron nito sa buong probinsya.

Pero tingnan mo nga naman.

Kung ako at ako lang eh hindi mahirap paniwalaan na si Egay San Luis ang may pakana nito. Bakit hindi diba? Sino bang ibang kalaban sa pulitika nito ni Asiong Salonga? Sobrang mahirap sabihin na “pwede rin namang hindi si Egay San Luis”. Hindi eh. Siya talaga.

Okay nung una. Na-shape ang sentimyento ng mga tao para kay Egay San Luis. Kung mapapanood mo kasi yung buong video eh medyo malalaman mo na ganito talaga yung breakdown niya:

  • 60% pagyayabang ni ER
  • 30% pambubuska ni ER kay San Luis (20% naman eh fail)
  • 10% Pandaraya sa oras dahil biased daw si Tonying.

Pero kung mas magiging critical tayo sa pagbabasa ng sitwasyon, given ang mga pangyayari after nung nasabing palabas na maraming nagpost ng ganito kung saan saan, naisip ko rin na hindi rin naman pala ganoon kalinis si Egay dahil sa halip na mas itaguyod niya kung ano ang mga nagawa niya sa distrito niya para matuwa naman tayong lahat sa kanya at sa nakakaawa niyang pagkatao eh mas focused pa siya sa paninira ng todo todo dito kay Gov. Ejercito. Kung magaling ka naman talaga siguro eh may iba ka pang maipagmamalaki, bukod sa overpass mo na walang tumatawid.

So, yun ngayon yung kinakaharap ng bawat Lagunense na isyu. Trapped sila sa pagitan ng dalawang gubernatorial candidate na ganyan ang uri. Meron na lang akong labindalawang araw para mag isip ng iboboto eh. Kung walang deserving para sa akin sa kanilang dalawa, siguro deserved kong i-void na lang ang balota para sa governor, kahit sabihin nilang please choose one.

O kaya, mag gangnam style na lang tayo, kahit luma na.

%d bloggers like this: